Friday, June 29, 2012

Hanapbuhay - Part-time Mystery Shopping

Mystery Shopping

Ano ba ang Mystery Shopping? Part time work, kailangan ng tiyaga, at attention sa details. Ang usual na gagawin mo ay bibisitahin mo ang isang tindahan - maaaring tindahan ng damit, accessories, sports equipment kahit minsan restaurant - at magmamasid sa paligid ng tindahan.Mystery Shopping 'ika nga kase sikreto na in-assess mo yung store at yung staff. Halimbawa kung malinis ba ang paligid, well-lighted, maayos ba ang display ng merchandise etc at higit sa lahat kung paano makitungo sa customer ang mga nagbabantay.

Malaking bahagi ng mystery shopping ang pag-tatala ng mga naobserbahan, pagsunod sa mga instructions na partikular sa bawat assignment, pag-fill-up ng questionnaire at higit sa lahat, pagsunod sa napagkasunduang deadline. Dapat ding kumilos bilang isang regular na customer at di magpahalata na isa kang mystery shopper. Minsan kailangan mo bumili ng items bilang bahagi ng shop. Madalas na makikipag-interact ka sa sales staff, magtatanong tungkol sa mga products, magsusukat para i-check ang fitting room pero di ka bibili ng items. Depende sa scenario o script para sa mystery shop.

Ano-ano bang businesses ang nangangailangan ng mystery shoppers? Clothing stores, Jewelry/Watch shops, retail outlets, electronic stores, testing centers, restaurants at hotels ang mga pinakamaraming mystery shop offers.

So interesado ka ba na maging mystery shopper? Abangan ang susunod na bahagi ng Hanapbuhay Part-time.